Rosas
FIL

كلمات Rosas

اللغة الأصليةFIL
المشاهدات2
Aaإعدادات القراءة
حجم النص 18

الكلمات الأصلية

FIL
الترجمة غير متاحة بعد. نعرض الكلمات الأصلية.
'Wag kang mabahala Ikaw ay mahalaga Hindi kita pababayaan Hindi ka naiiba At sana'y paniwalaan Na pipiliin ka araw-araw At alam ko ang aking kaya alam ko ang hindi Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi Hangga't may kabutihan hangga't may pag-ibig Liwanag ang mananaig At hindi ko maipapangako ang kulay rosas Na mundo para sa 'yo At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga Hangga't hindi mo pa magawang muling ipagmalaki Na ika'y isang Pilipino 'Wag kang matatakot May kasangga ka sa laban na ito Sabay nating gisingin ang nasyon At alam ko ang aking kaya alam ko ang hindi Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi Hangga't may kabutihan hangga't may pag-ibig Liwanag ang mananaig At hindi ko maipapangako ang kulay rosas Na mundo para sa 'yo At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga Hangga't hindi mo pa magawang muling Ipagmalaki na ika'y isang Pilipinong may pusong sagutin ang tugon Pilipinong may tapang na muling bumangon Pilipinong buo ang paninindigan Alam ang tama at totoo Samahan mo ako At hindi ko (at hindi ko) maipapangako ang kulay rosas (kulay rosas) Na mundo para sa 'yo At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino (oh) Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga Hangga't hindi mo pa magawang muling Ipagmalaki na ika'y isang matatag at matapang At mabuti at mapagmahal na Pilipino Pilipino Pilipino

المزيد من Nica Del Rosario

Nica Del Rosario →

كلمات ذات صلة