Eroplanong Papel
TL

Letra de Eroplanong Papel

GéneroGospel / Religious
Duración4:34
Idioma originalTL
Vistas434
AaLectura
Tamaño 18

Letra original

TL
La traducción todavía no está disponible. Mostramos la letra original.
Nakasulat doon ang pangarap ko Ang mithiin ng batang musmos At marahil ako ay katulad mo Na saksi sa paghihikahos Sana'y mayron nang tahanan Ang gumagawa ng bahay At masaganang hapunan Ang naghahasik ng palay Ang bundok ay handang akyatin Dagat ma'y kaya ring tawirin Ang pangarap ko'y mararating Isang araw ay liliparin Ang matataas na pader Ng aking eroplanong papel Ang aking eroplano'y kasing kulay Ng iba't ibang uring mukha Ng mga suot, awit at sayaw At watawat ng bawat bansa At ito ay hindi panaginip lang Kung tayo'y magkaisang tinig Kung ikaw at ako ay magtutulungang Pandayin ang bagong daigdig Ang bundok ay handang akyatin... Isang araw ay liliparin Isang araw ay bubuwagin Ang matataas na pader Ng aking eroplanong papel

Más de Gary Granada

Gary Granada →

Letras relacionadas