Kanlungan
FIL

Letra de Kanlungan

Idioma originalFIL
Vistas7
AaLectura
Tamaño 18

Letra original

FIL
La traducción todavía no está disponible. Mostramos la letra original.
Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? Natatandaan mo pa ba Nang tayong dal'wa'y unang nagkita? Panahon ng kamusmusan Sa piling ng mga bulaklak at halaman Doon tayong nagsimulang Mangarap at tumula Natatandaan mo pa ba Inukit kong puso sa punong mangga At ang inalay kong gumamela? Magkahawak-kamay sa dalampasigan Malayang tulad ng mga ibon Ang gunita ng ating kahapon Ang mga puno't halaman Ay kabiyak ng ating gunita Sa paglipas ng panahon Bakit kailangan ding lumisan? Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? Ngayon ikaw ay nagbalik At tulad ko rin ang iyong pananabik Makita ang dating kanlungan Tahanan ng ating tula at pangarap Ngayon ay naglaho na Saan hahanapin pa? Lumilipas ang panahon Kabiyak ng ating gunita Ang mga puno't halaman Bakit kailangang lumisan? Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon? Lumilipas ang panahon Kabiyak ng ating gunita Ang mga puno't halaman Bakit kailangang lumisan? Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon?

Más de Noel Cabangon

Noel Cabangon →

Letras relacionadas