Pahina
FIL

Pahina 歌詞

アルバムSilakbo
年2025
ジャンルPoprock
原文言語FIL
閲覧数531
Aa表示設定
文字サイズ 18

原文歌詞

FIL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
'Di na makausad, 'di malinawan 'Di na mabura ang iyong mga larawan 'Di alam kung sa'n tutungo ang mga hakbang Patalikod, naghihingalo Ang lapis na ginamit sa kuwento nating naudlot Bawat buklat ng aklat, binabalikan Mga liham na ang laman, ligayang dala Ikaw lang ang may akda Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana'y Ikaw at ikaw at ikaw pa rin Ang yugtong paulit-ulit kong babalik-balikan Sigaw ay sigaw ay ikaw pa rin Patuloy kong panghahawakan ang 'yong mga salitang Hindi na nakikita sa tingin ng 'yong mga mata Ngunit kung sarado na ang puso sa nadarama Puwede bang isipin mo kung bakit tayo nagsimula Ating katotohana'y Naging isang nobelang Winakasan ng pagdududang 'Di na nalabanan Nais na maramdaman muli Kung pa'no isulat ang pangalan mo Ngunit bawat letra'y mahirap nang iguhit Dahil binubuo nila ang 'yong mga pangako Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana'y Ikaw at ikaw at ikaw pa rin Ang yugtong paulit-ulit kong babalik-balikan Sigaw ay sigaw ay ikaw pa rin Simula sa wakas na 'di matuklasan Pabalik kung saan 'di na natagpuan Ang mga matang nakatanaw sa umpisa Ng yugtong 'di na sana naisulat pa Simula sa wakas na 'di matuklasan Pabalik kung saan 'di na natagpuan Ang mga matang nakatanaw sa umpisa Ng yugtong 'di na sana naisulat pa Sa lahat ng pahinang sinulat ng tadhana'y Ikaw at ikaw at ikaw pa rin Ang yugtong paulit-ulit kong babalik-balikan Sigaw ay sigaw ay ikaw pa rin Patuloy kong panghahawakan ang 'yong mga salitang Hindi na nakikita sa tingin ng 'yong mga mata Ngunit kung sarado na ang puso sa nadarama Puwede bang isipin mo kung bakit tayo nagsimula Simula sa wakas na 'di matuklasan Pabalik kung saan 'di na natagpuan Ikaw at ikaw at ikaw pa rin Ang mga matang nakatanaw sa umpisa Sigaw ay sigaw ay Ng yugtong 'di na sana naisulat pa

Cup of Joe の他の曲

Cup of Joe →

関連歌詞