Dugay Na
TL

Dugay Na 歌詞

ジャンルGospel / Religious
時間3:20
原文言語TL
閲覧数378
Aa表示設定
文字サイズ 18

原文歌詞

TL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
Dugay, dugay na, dugay na, dugay na Dugay, dugay na, dugay dugay na Kailan mo huling dinalaw Ang munting dalampasigan At sa bukid na awaaw Kailan ka huling tumahan Langhapin ang mga dahon At hipuin ang halaman At dinggin ang mga ibon At hangi'y hagkan Dugay, dugay na, dugay na, dugay na Dugay, dugay na, dugay dugay na Kailan mo huling binati Ang mga mahal sa buhay Kailan pa huling ang labi Ay nangusap ng makulay Kailan pa namumutawi Sa pag-ibig at kalinga Kailan mo huling sinabi Ang mahal kita Dugay, dugay na, dugay na, dugay na Dugay, dugay na, dugay dugay na Kailan ka huling tumawa At ang puso'y hinayaang Makisalo at mahawa At makikipagdiriwang Kailan ka huling lumuha Sa iyong mga kaibigan At nanalig, nagtiwala Sa nararamdaman Dugay, dugay na, dugay na, dugay na Dugay, dugay na, dugay dugay na

Gary Granada の他の曲

Gary Granada →

関連歌詞