Hayaan Mo Ako
TL

Hayaan Mo Ako 歌詞

ジャンルGospel / Religious
時間4:16
原文言語TL
閲覧数427
Aa表示設定
文字サイズ 18

原文歌詞

TL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
Hayaan mo akong humayo at mangalap Umani nang umani ng karanasan Hayaan mo akong magsilang at mangarap Mag-ipon nang mag-ipon ng kaarawan Hayaan mo akong... Tumandang kasabay ang mga puno Tumanda sa ugma ng alon Tumanda ang isipan at puso Tumanda't mahinog sa panahon Hayaan mo akong dinggin ang mga awit At mga tula ng buong mundo Hayaan mo akong dumanas ng pag-ibig Ng pagwawagi at ng pagkabigo Hayaan mo akong... Tumanda't maglinang ng pag-asa Tumandang hindi nag-iisa Tumanda't matutong makibaka At makikipamuhay sa iba Hayaan mo, hayaan mo ako Hayaan mo, hayaan mo ako Hayaan mo, hayaan mo ako Hayaan mo... Hayaan mo akong subukin at subukan Upang lutasin ang mga bugtong Hayaan mo akong hanapin at hanapan Upang tuklasin ang mga tanong Hayaan mo, hayaan mo ako Hayaan mo, hayaan mo ako Hayaan mo, hayaan mo ako Hayaan mong... Tumandang kasabay ang mga puno Tumanda sa ugma ng alon Tumanda ang isipan at puso Tumanda't mahinog sa panahon

Gary Granada の他の曲

Gary Granada →

関連歌詞