Kapag Sinabi Ko Sa Iyo
TL

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo 歌詞

ジャンルGospel / Religious
時間4:10
原文言語TL
閲覧数652
Aa表示設定
文字サイズ 18

原文歌詞

TL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan Halina't ating pandayin isang malayang daigdig Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo

Gary Granada の他の曲

Gary Granada →

関連歌詞