Pag-ibig Lang
TL

Pag-ibig Lang 歌詞

アルバムMusika Ni Gary Granada
年2014
ジャンルGospel / Religious
時間3:51
原文言語TL
閲覧数658
Aa表示設定
文字サイズ 18

原文歌詞

TL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
Ako ang dulo at ikaw ang umpisa Dal'wa ang dako ng landas nating dal'wa Ika'y apoy, ako ay tubig Duda ko'y iyong pananalig Ang tiyak sa iyo ay aking pangamba Ako'y maghapon at ikaw ay magdamag Ika'y matapang kung saan ako duwag Ang iyong huli ay siya kong una Madali mo'y di ko kaya At ang aking sige ay siya mong huwag At pag tayo'y nag-uusap Parang lupa't alapaap Nagtatalo ang sigaw at ang bulong Sala sa ikli at haba Parang timog at hilaga Di mahuhulaan kung saan hahantong Bakit hanggang ngayon tayo ay narito At may kutob akong kapwa natin gusto Paano mo maipaliwanag Kung paano di natitinag At pagkakaiba ay di naging hadlang Dahil kaya pag magkasama'y masaya May kaagapay o kaya Baka naman pag-ibig lang (Interlude) Sala sa ikli at haba Parang timog at hilaga Di mahuhulaan kung saan hahantong Bakit hanggang ngayon tayo ay narito At may kutob akong kapwa natin gusto Paano mo maipaliwanag Kung paano di natitinag At pagkakaiba ay di naging hadlang Dahil kaya pag magkasama'y masaya May kaagapay o kaya Baka naman pag-ibig lang

Gary Granada の他の曲

Gary Granada →

関連歌詞