Salamat Musika
TL

Salamat Musika 歌詞

アルバムMusika Ni Gary Granada
年2014
ジャンルGospel / Religious
時間1:55
原文言語TL
閲覧数600
Aa表示設定
文字サイズ 18

原文歌詞

TL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
Paano mo patatahimikin Ang isang bunsong iyakin Huhunihan ni inay ng la-la-rin-la-rin Paano mo patatahanin Ang pagtatampo ni Neneng Pasalamat ka't may awit na kakantahin Sa mga indayog tayo'y napapasayaw At sa labis na galak ay napapasigaw Ang mga kirot sa puso ay lumilipad Ang mga mithi ay natutupad Salamat, salamat musika Lahat ng panahon maaasahan ka Salamat, salamat musika Itong munting mundo ay napapasigla Ang mga bituin sa langit At mga katha ng isip Ay hindi sapat upang mabuhay ang daigdig Ang magagandang tanawin At mga tulang malalim Kukulangin din upang tayo ay aliwin Aanhin ang kayamanang di madadala Aanhin ang kagandahang pansamantala Ang katahimikan ba ay may magagawa Upang ihayag ang nadarama Salamat, salamat musika... Napapasaya! Salamat, salamat musika...

Gary Granada の他の曲

Gary Granada →

関連歌詞