Sana
TL

Sana 歌詞

ジャンルPop
時間4:46
原文言語TL
閲覧数250
Aa表示設定
文字サイズ 18

原文歌詞

TL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
umuwi nang tila bang lahat nagbago na nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi kahit na magdamag na tayong magkatabi bakit ka nag-iba? mayro'n na bang iba? sana sinabi mo para 'di na umasang may tayo pa sa huli sana sinabi mo hahayaan naman kitang sumaya't umalis sana sinabi mo para 'di na umasang may tayo pa sa huli sana sinabi mo hahayaan naman kitang umalis umalis binibilang ang hakbang hanggang wala ka na nagbabaka-sakaling lilingon ka pa hindi na ba mababalik ang mga sandali mga panahong may lalim pa ang iyong ngiti? bakit ka nag-iba? mayro'n na bang iba? sana sinabi mo para 'di na umasang may tayo pa sa huli sana sinabi mo hahayaan naman kitang sumaya't umalis sana sinabi mo para 'di na umasang may tayo pa sa huli sana sinabi mo hahayaan naman kita... sana sinabi mo para ang mga ayaw mo'y aking iibahin 'di ba, sinabi mo basta't tayong dalawa'y sasaya ang mundong mapait 'di ba, sinabi ko gagawin ko'ng lahat upang tayo pa rin sa huli biglang nalaman ko may hinihintay ka lang palang bumalik sana sinabi mo dahil 'di ko maisip, ano ba'ng nagawa kong mali? sana sinabi mo para 'di na umibig ang puso kong muli sana sinabi mo para 'di na umasang may tayo pa sa huli sana sinabi mo hahayaan naman kita... sana sinabi mo para 'di na umasang may tayo pa sa huli sana sinabi mo

I Belong To The Zoo の他の曲

I Belong To The Zoo →

関連歌詞