Tuwing Umuulan At Kapiling Ka
FIL

Tuwing Umuulan At Kapiling Ka 歌詞

原文言語FIL
閲覧数4
Aa表示設定
文字サイズ 18

原文歌詞

FIL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
Pagmasdan ang ulan Unti-unting pumapatak Sa mga halama't mga bulaklak Pagmasdan ang dilim Unti-unting bumabalot Sa buong paligid t'wing umuulan Kasabay ng ulan Bumubuhos ang 'yong ganda Kasabay ng hanging kumakanta Maari bang huwag ka na Sa piling ko'y lumisan pa? Hangga't ang hangi't ula'y tumila na Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Hey, yah, hey Pagmasdan ang ulan Unti-unting tumitila Ikaw ri'y magpapaalam na Maari bang minsan pa Mahagkan ka't maiduyan pa Sa tubig at ulan lamang ang saksi Minsan pa ulan bumuhos ka't H'wag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo Dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka La-la-la, la-la-la La-la, la-la, la-la-la-la La-la-la, la-la, la-la, la-la Maari bang minsan pa Mahagkan ka't maiduyan pa Sa tubig at ulan lamang ang saksi Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Minsan pa ulan bumuhos ka't H'wag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo Dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan Tuwing umuulan Tuwing umuulan at kapiling ka, hey-yeah

Noel Cabangon の他の曲

Noel Cabangon →

関連歌詞