Sabi Nila
TL

Sabi Nila 가사

장르Rock Roll
길이3:38
원문 언어TL
조회수1.1K
Aa읽기 설정
글자 크기 18

원문 가사

TL
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
CHORUS Sabihin man nilang ako ay bata pa 'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya Sa karanasan daw ako ay hilaw pa "Mag-aral ka pa," iyan ang sabi nila Hoh hoh hoh Maaring sa isang punto, sila ay tama Maaring sa karanasan, ako ay hilaw pa nga Dahil 'di ko pa naranasan buhay ko'y itaya 'Di ko pa naranasang sumagupa sa tingga Maaring kulang din ang aking pagkaunawa Sa mga suliranin ng ating bansa Maaring kulang din ang aking kaalaman Sa iba't ibang daing ng ating sambayanan [Repeat CHORUS] Ngunit dahil ba kulang pa'ng aking karanasan At marami pa 'kong dapat pag-aralan Ang pag-ibig ba nila'y 'di ko kayang pantayan Para sa 'kin ito'y isang maling kaisipan Ang pag-ibig sa bayang kinagisnan Ay sa puso at hindi sa isip lang Ito'y nararamdaman at hindi napag-aaralan Ito'y walang kinikilalang edad kailanman [Repeat CHORUS]

Agaw Agimat의 다른 곡

Agaw Agimat →

관련 가사