Superproxy
FIL

Superproxy 가사

장르Reggae
길이5:45
원문 언어FIL
조회수422
Aa읽기 설정
글자 크기 18

원문 가사

FIL
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
Sawa ka na ba sa mga hustle sa buhay mo Ayaw mo na bang mag-isip para sa sarili Tinatamad ka ng bumyahe Ang gusto mo'y nakahiga na lang Napapagod ka na ba sa kayayakap sa asawa mo Ito, ako ang kailangan mo I-dial lang ang telepono Hindi na dapat maghirap Sa iisang iglap ang buhay ay sasarap 'Wag nang mag-atubili kumuha ng Superproxy Ako ay kaibigan na lagi mong maasahan Umulan man o umaraw ay nariyan 'pag kailangan mo Ito ay special offer sa mga taong katulad mo Gamitin ang iyong bulsa para guminhawa Ito, ako ang kailangan mo I-dial lang ang telepono Hindi na dapat maghirap Sa iisang iglap ang buhay ay sasarap 'Wag nang mag-atubili kumuha ng Superproxy Ako ang bahala sa 'yo Ang buhay mo ay buhay ko Hindi na dapat maghirap Sa iisang iglap ang buhay ay sasarap 'Wag nang mag-atubili kumuha ng Superproxy Superproxy superproxy Superproxy superproxy Superproxy superproxy

Eraserheads의 다른 곡

Eraserheads →

관련 가사