Madaling-araw Na
TL

Madaling-araw Na 가사

장르Gospel / Religious
길이2:17
원문 언어TL
조회수398
Aa읽기 설정
글자 크기 18

원문 가사

TL
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
Madaling-araw na, isip mo'y malalim-lalim Kalagitnaan na ng liwanag at dilim Bakit kailangan pang ika'y pumasok sa silid Gayung yaong pinto'y matagal ng nakapinid Sa iyong dibdib Di mo makapa ang iyong nararamdaman Hindi lungkot, hindi saya Hindi bagot, hindi naman din balisa Isipin mo na lang na lahat ng nilalang Nahihimlay, nahihimbing At nananaginip ng nag-iisa Walang nagsusulat dahil walang nagbabasa Walang bumabagsak dahil walang pumapasa Sa bawat bagong iyong natutuklasan Ika'y natututong kayrami-rami pa palang Di mo alam Di mo makapa ang iyong nararamdaman... Sa babaw ng mundo, kung ibig mong magtampisaw Maraming kasundo at kasabay sa iyong galaw Ngunit ang wika, nagbabago'ng kahulugan Sa dalas ng bigkas, unti-unting nawawalang Kabuluhan.

Gary Granada의 다른 곡

Gary Granada →

관련 가사