Pedrong Pako
TL

Pedrong Pako 가사

장르Gospel / Religious
길이2:44
원문 언어TL
조회수339
Aa읽기 설정
글자 크기 18

원문 가사

TL
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
Si Pedro'y nakaapak ng pako sa lansangan Pinulot niya't bakasakaling pakinabangan At ang kinakalawang na pakong nabubulok Sa bago niyang bahay ay duon ipinukpok Isang kalbong gulong nakita niya sa kalsada Kanyang isinuong sa jeepney niyang pampasada Duo'y may nakaiwan ng lumang antipara Kanyang isinuot sa malinaw niyang mata Bagong bahay, lumang pako Dating gimik na inibang-anyo Bagong bote, lumang toyo Ang laging sawsawan ni Pedro Gulong ay umiskyerda at ang jeep ay nabangga Dahil sa antipara ang poste di nakita Pasahero'y huli na sa biyahe't nabukulan Di pa nakarating sa dapat na puntahan Si Pedro'y may kilalang kawatang pulitiko Sa bawat halalan ay laging kandidato Nabulag na si Pedro, napako pa ang tuktok Pulitikong bulok sa pwesto iniluklok Bagong bahay, lumang pako... Nang dahil sa pako bahay ni Pedro'y bumagsak Sa bulkan, bagyo, baha't lindol tuluyang nawarak Giba na ang dingding, sahig, haligi't bubungan Mabuti pa kaya, magbagongbahay na lang

Gary Granada의 다른 곡

Gary Granada →

관련 가사