REHAS
TL

REHAS 가사

장르Gospel / Religious
길이2:51
원문 언어TL
조회수447
Aa읽기 설정
글자 크기 18

원문 가사

TL
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
Rehas ang bawat bukangliwayway Mula sa pagdilat hanggang paghimlay Ika'y sa galaw ng madla sasabay Landas man ay rehas ng paglalakbay Rehas ang awit, pader ang tula Selda ang tila magarang dula Pagkahabahaba ng tanikala Bihag, kailan ka makakawala? Yaman ay rehas ng paghahanda Rehas ang oras sa iyong pagtanda Ganda't tagumpay walang mapapala Rehas ang buhay kung siya ay wala Minsang nakatali ang asong hangal Ikut ng ikot hanggang masakal Huwag kang mangiti at huwag kang matuwa Gapos ka rin ng sariling gawa Rehas ang buhay, rehas ang buhay Rehas ang buhay kung siya ay wala

Gary Granada의 다른 곡

Gary Granada →

관련 가사