Ayos
—

Ayos 가사

장르Pop
원문 언어—
조회수12
Aa읽기 설정
글자 크기 18

원문 가사

번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
Kamusta ka na kaya? Matagal-tagal na rin Iba na'ng paboritong pasalubong Iba na rin ang kasabay pauwi Siguro ibang daan Sinundan ng aking hakbang Ako'y naiwan sa lumang takbuhan na Wala nang nadatnan Sana ok ka pa kahit hindi na ako kasama Sana maabot mo lahat ng lihim mong dasal Hanggang sa dulo ng mundo Ako pa rin ang natitirang umaasa Kahit 'di na ako parte ng bukas mo Naaalala ko pa rin Mga gabing walang tulog Kinukulit ka sa mga pangarap mo Habang naglalakad sa gitna ng dilim Ngayon iba na siguro Kausap mo tuwing gabi Habang ako'y naghihintay ng mensaheng hindi na darating Sana ok ka pa kahit hindi na ako kasama Sana maabot mo lahat ng lihim mong dasal Hanggang sa dulo ng mundo Ako pa rin ang natitirang umaasa Kahit 'di na ako parte ng bukas mo At kung sakaling marinig mo ito 'Wag kang magalala dahil ayos na ako 'Wag ka nang babalik 'Di na tayo babalik Tanggap ko nang wala na ako sa mga plano mo Sana ok ka pa kahit hindi na ako kasama Sana maabot mo lahat ng lihim mong dasal Hanggang sa dulo ng mundo Ako pa rin ang natitirang umaasa Kahit 'di na ako parte ng bukas mo Patuloy akong magdiriwang Sa gitna ng dilim Sa tuwing maririnig na iyong nakakamit Ang mga pangarap mo

I Belong To The Zoo의 다른 곡

I Belong To The Zoo →

관련 가사