Manghuhula
FIL

Manghuhula 가사

앨범Naaalala Ka
연도1978
원문 언어FIL
조회수4
Aa읽기 설정
글자 크기 18

원문 가사

FIL
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
Minsa'y sinubukan para bang katuwaan lang ang magpahula Hawak pa niya'y baraha, ako nama'y nagdududa, naiinip na Subalit nang sabihin niyang ako'y mahal mo rin Agad ako'y nagising at nag-isip din Lumakas bigla ang kaba ng puso ko, manghuhula Tunay nga kayang siya ay mayroong pagtingin sa akin Baka naman ako'y pinasasakay mo lang Subalit 'pagpatuloy mo, nakikinig din ako Manghuhula, manghuhula Sa palad ko'y anong nakikita Totoo bang ako'y minamahal niya Manghuhula, baka ako'y dinadaya Manghuhula, manghuhula Hirap akong sa 'yo'y maniwala Subalit kung ang pag-uusapan ay ang mahal ko Makikinig ako sa 'yo Subalit nang sabihin niyang ako'y mahal mo rin Agad ako'y nagising at nag-isip din Manghuhula, manghuhula Sa palad ko'y anong nakikita Totoo bang ako'y minamahal niya Manghuhula, baka ako'y dinadaya Manghuhula, manghuhula Hirap akong sa 'yo'y maniwala Subalit kung ang pag-uusapan ay ang mahal ko Nakikinig ako sa 'yo

Rey Valera의 다른 곡

Rey Valera →

관련 가사