Langis At Tubig
FIL

Langis At Tubig 가사

장르Pop
원문 언어FIL
조회수8
Aa읽기 설정
글자 크기 18

원문 가사

FIL
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
Tubig at langis Ang katayuan nati'y 'yan ang kawangis Pilitin mang magsama'y may mahahapis Ganyang-ganyan tayong dalawa Ang panuntuna'y magkaiba Langis at tubig 'Di mapagsama ng tunay mang pag-ibig Hinanakit ang siyang laging mananaig Mahal na mahal man kita May mahal ka namang iba Tubig at langis Idarang man sa init, 'di rin tatamis Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis Ang kirot ay 'di maalis kung labis Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa 'ting daigdig? May dasal ba akong hindi Niya narinig? Papel natin sa pag-ibig Ako'y langis, ika'y tubig Tubig at langis Idarang man sa init, 'di rin tatamis Dahil ang halo'y luha't paghihinagpis Ang kirot ay 'di maalis kung labis Bakit nanaig ang dusa sa ligaya sa 'ting daigdig? May dasal ba akong hindi Niya narinig? Papel natin sa pag-ibig Ako'y langis, ika'y tubig Ako'y langis, ika'y tubig Ako'y langis, ika'y tubig

Sharon Cuneta의 다른 곡

Sharon Cuneta →

관련 가사