Kyusi
FIL

Kyusi 가사

앨범Huminga
연도2022
원문 언어FIL
조회수45
Aa읽기 설정
글자 크기 18

원문 가사

FIL
번역이 아직 없습니다. 원문 가사를 표시합니다.
Sasamahan ka sa Kyusi At iikutin na ang UP Diliman Pagsakay natin ng jeepney Pupuntahan naman ang bagong sinehan Huwag kang mahiya 'Di kita huhusgahan Kahit may kaba Pipiliting ngumuya At tulala Ang gusto ko lang ay ang totoo Walang hadlang 'Di mo kailangang baguhin ang iyong anyo Ang gusto ko lang ay ang totoo Walang hadlang 'Di mo kailangang baguhin ang iyong anyo ('Di mo kailangang) baguhin ang iyong anyo ('Di mo kailangang) baguhin ang iyong anyo ('Di mo kailangang) baguhin ang iyong anyo Sa Kamuning ba magkikita? At hahanapin ko ang tamang salita Magpapaalam na sa reyna Kung puwede ba kitang kasama magdamag At babantayan Ko palagi ang orasan Alas-singko lang Ang binigay na hangganan At tulala Ang gusto ko lang ay ang totoo Walang hadlang 'Di mo kailangang baguhin ang iyong anyo Ang gusto ko lang ay ang totoo Walang hadlang 'Di mo kailangang baguhin ang iyong anyo ('Di mo kailangang) baguhin ang iyong anyo ('Di mo kailangang) baguhin ang iyong anyo ('Di mo kailangang) baguhin ang iyong anyo Mahalaga ay totoo Sinabi mo ang totoo Pinagdudahan ko Nagtatanong kung dapat kong Kitain ka dito Ang pag-ibig ay tahimik Hindi kailangan ng nambubuyong lakas Natulala ka sa kawalan, kinakabahan May nagawa ba 'kong kasalanan Kung bakit ka nagkaganyan? At nagkapatlang Tahimik na ang buong mundo 'Di ko namalayan, biglang ikaw lang at ako ('Di mo kailangang) baguhin ang iyong anyo ('Di mo kailangang) baguhin ang iyong anyo ('Di mo kailangang) baguhin ang iyong anyo Mahalaga ay totoo ('Di mo kailangang) baguhin ang iyong anyo ('Di mo kailangang) baguhin ang iyong anyo ('Di mo kailangang) baguhin ang iyong anyo Sasamahan ka sa Kyusi

Zild의 다른 곡

Zild →

관련 가사