Laruan
FIL

Laruan lyrics

AlbumKuh
Year1980
GenrePop
Original languageFIL
Views7
AaReading settings
Text size 18

Original lyrics

FIL
Translation not available yet. Showing the original lyrics.
'Di laruan itong pag-ibig 'Di laruan ang magmahal Dahil ang gawang umibig Ay isang damdaming banal Laruan ba itong pag-ibig Para sa dalawang puso? Kung kailan nawalan ng init Saka itinapon, wari'y napaso Bakit ganito ang iginanti Sa pag-ibig kong lagi nang tapat? Laruan ba ito? Ba't iyong inapi Matapos kunin lahat? Kung sa 'yo ay laruan lamang Ang ika'y mahaling tunay Sa ganitong laro, wala akong tapang Dahil ang pag-ibig sa 'kin ay buhay Bakit ganito ang iginanti Sa pag-ibig kong lagi nang tapat Laruan ba ito? Ba't iyong inapi Matapos kunin lahat? 'Di laruan itong pag-ibig 'Di laruan ang magmahal Dahil ang gawang umibig Ay isang damdaming banal

More from Kuh Ledesma

Kuh Ledesma →

Related lyrics