Hiling
FIL

Hiling lyrics

Original languageFIL
Views43
AaReading settings
Text size 18

Original lyrics

FIL
Translation not available yet. Showing the original lyrics.
Sa ilalim ng dilim Ako'y nananalangin Na sa bawat huni ng hangin Ikaw ay kapiling Kailan kaya darating Matagal ko nang dalangin? Kasabay ng huni ng hangin Sa ilalim ng dilim Kasabay ng hangin na dumadampi Mga dalanging malabong mapasa'kin Oh, pag-ibig na minimithi Sa'n ka man nakatingin Aking pag-ibig na hinihiling Sana ako ay marinig dito sa ilalim ng dilim Kailan kaya mapapansin Matagal ko nang dalangin? Na sa iyo'y may pagtingin Na hindi mapipigil Oh, pag-ibig na minimithi Sa'n ka man nakatingin Aking pag-ibig na hinihiling Sana ako ay marinig (dito sa ilalim ng dilim) Sa mga oras na dumating 'Di man lang naiparating Ang pag-ibig na hinihiling Kasabay ng hangin na dumadampi Sana noon pa 'pinarating Mga dalanging malabong marinig Oh, pag-ibig na minimithi Sana'y ngiti ko'y mapansin Aking pag-ibig na hinihiling Sa yakap mo ay nananabik, dito sa ilalim ng dilim

Related lyrics