Dahil Nariyan Ka
FIL

Dahil Nariyan Ka lyrics

Original languageFIL
Views4
AaReading settings
Text size 18

Original lyrics

FIL
Translation not available yet. Showing the original lyrics.
Ang aking puso'y puno ng tuwa dahil nariyan ka At ang bawat tibok nito'y may kakaibang nadarama Kay tagal kong naghintay, ngayo'y di na muling mawawalay Ang lubos na ligaya na nadarama ay dahil nariyan ka Ang aking mundo'y biglang sumigla dahil nariyan ka At ang simoy ng hangin ay may pag-asang dala-dala Ang mga bituin sa langit ay liwanag na nagsasanib Ang lubos na pag-ibig na nadarama ay dahil nariyan ka Ang bawat likha sa paligid Ay tila umaayon sa 'ting pag-ibig Parang langit Parang walang hanggang panaginip May galak sa aking mga mata dahil nariyan ka Ang bawat sandaling kapiling ka'y anong saya Kay tagal kong naghintay, ngayo'y di na muling mawawalay Ang lubos na pag-ibig na nadarama ay dahil nariyan ka Ang bawat likha sa paligid Ay tila umaayon sa 'ting pag-ibig Parang langit Parang walang hanggang panaginip Dahil nariyan ka

More from Noel Cabangon

Noel Cabangon →

Related lyrics