Wala Nang Kumakatok
FIL

Текст песни Wala Nang Kumakatok

АльбомHuminga
Год2022
Язык оригиналаFIL
Просмотры17
AaНастройки чтения
Размер текста 18

Оригинальный текст

FIL
Перевод пока недоступен. Показан оригинальный текст.
Babangon na para lang makahinga ‘Di na alam ano pa ba ang halaga ‘Di niyo ba napapansin Kung pa'no na ‘ko tumingin? Natutuyo na ang mga luha ko Bakit gan’to? Palaging bitbit ang mundo ‘Di niyo ba papansinin Palaging magkukunwari? Tulong ‘Di ko mahinto ang bulong Magdamag nang nakakulong Sa kwarto kong wala nang kumakatok Sana Liwanag ay makita muli Hangga't wala pa sa huli Bago mauwi sa pagsisisi At tulala nanaman sa kawalan Namamanhid na ang buong katawan Ayoko nang bumangon pa Nabubulok na sa kama Tulong ‘Di ko mahinto ang bulong Magdamag nang nakakulong Sa kwarto kong wala nang kumakatok Sana Liwanag ay makita muli Hangga't wala pa sa huli Bago mauwi sa pagsisisi Heto na ang wakas ‘Di kayang magbukas Ang lakas sa labas Buhay kong binutas Hihiga sa kama Isasara ang mata Buhay na nalanta Mag-isang tatawa Langit ay pumiglas Hangin ay hahampas Sa pintong Walang kumakatok

Ещё от Zild

Zild →

Похожие тексты