BAHAY
TL

BAHAY کے بول

صنفGospel / Religious
دورانیہ3:47
اصل زبانTL
مناظر967
Aaپڑھنے کی ترتیبات
متن کا سائز 18

اصل بول

TL
ترجمہ ابھی دستیاب نہیں۔ اصل بول دکھائے جا رہے ہیں۔
Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito Ay bahay Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito Ay bahay Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha Ay bahay

Gary Granada کے مزید گیت

Gary Granada →

متعلقہ بول