Bibingka
TL

Bibingka 歌词

流派Pop
时长4:58
原文语言TL
浏览量137
Aa阅读设置
文字大小 18

原文歌词

TL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
Simbang gabi nanaman Tayo gising na, patulog pa lang ang buwan Ang simoy ng hangin Dahan-dahang na humahaplos Sa mukha ng bawat tao Bumabagsak-bagsak pa ang mata Dahan-dahang kumislap Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan Kung san magkasama tayong nagdasal At nakinig sa Misa de Gallo Pagdating ng Ama Namin, ang oras huminto Nang magkahawak ang ating mga kamay Umawit mga ulap at sabay Nagsiawit ang mga anghel sa langit At nang unang gabi ng pasko'y sumapit Kay ganda ng harana ng tinig Na sumasabay sa ihip ng hangin Ang sabi nila Ang sabi nila Natapos din ang siyam na araw ng simbang gabi Ang sabi ko sa sarili, baka ito na ang huli Pero mula nung unang Ama Namin Na ang iyong kamay ay hinawakan Di mo na binitawan Nagsiawit ang mga anghel sa langit At nang unang gabi ng pasko'y sumapit Kay ganda ng harana ng tinig Na sumasabay sa ihip ng hangin Ang sabi nila Ang sabi nila Oh, ang sabi nila Ang sabi nila Bilhan mo na siya ng bibingka Dahil ikaw na ang aking tadhana Bilhan mo na siya ng bibingka Dahil ikaw na ang aking tadhana

更多 Ben&Ben

Ben&Ben →

相关歌词