ADDRESS
TL

ADDRESS 歌词

流派Gospel / Religious
时长4:07
原文语言TL
浏览量453
Aa阅读设置
文字大小 18

原文歌词

TL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
Kung ika'y may reklamo sa ating mga batas Na hindi makatao at ang turing di patas Huwag kang mag-atubili na sumulat sa Congress Tiyakin mo lang hane na tama ang iyong address Ang address ng Kongreso ay hindi sa Batasan Kung gusto nyong diretso ang inyong mga liham To Our Brilliant Lawmakers, Corporation ng Angkan c/o Chamber of Commerce, Makati, Philippines 2000 Kung iba'ng ginagawa at iba'ng sinasabi Ni Commissioner Ngawa at ni Praise Secretary Kaagad ipaalam sa ating Presidente Basta kumpletuhin lang ang isulat sa sobre Ang address ng Pangulo ay hindi Malacañang Kung gusto niyong diretso ang inyong mga liham To The Leader of the Land, c/o IMF-World Bank U.N. corner Nagtahan, Manila, Philippines 2000 Kung mayaman na tao at kilalang kriminal Ay ginagawang santo, tinuturing na banal Sa korte sumulat ka ngunit konting ingat lang Baka mauna ka pa kaysa doon sa iyong liham Ang address ng Husgado pareho lang sa Simbahan Kung gusto nyong diretso ang inyong mga liham To The Holy Trinity, Praise Da Lord, Thy Will Be Done Camp Crame, Quezon City, zip code Philippines 2000 Bago tayo magwakas, may extrang public service Sila na ang nagbubukas ng sulat sa post office Ugaliing mag-zipcode, singbilis ng time machine Pebrero nang ihulog, Enero nang dumating Ito ay katuwaan lang, katuwaang totoo Kung iniisip nyo pang lumiham sa gobyerno Basta't ang mahalaga'y huwag tularan si Isko Habang nasusunog ang bahay, sumulat sa bombero

更多 Gary Granada

Gary Granada →

相关歌词