CONSUELO
TL

CONSUELO 歌词

流派Gospel / Religious
时长3:51
原文语言TL
浏览量385
Aa阅读设置
文字大小 18

原文歌词

TL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
Sa maghapong kayod kalabaw Pagod na pagod ka't uhaw na uhaw Ang lakas mo'y ubos na ubos At sahod ay laging kapos na kapos Kailangan mo ng konswelo, Konswelo, konswelo pagdating ng gabi Kailangang makipagkwentuhan, Huntahan sa tindahan diyan sa tabi Sa ilalim ng mga bituin Pantulak na awit, pulutang usapin Sa tindahang munti ni Anding Tambayan ni Cosme at Kapitan Fermin Kailangan mo ng konswelo Konswelo, konswelo pagdating ng gabi Kailangang makipagkantahan, Alaskahan sa tindahan diyan sa tabi Pag nadadaig na ng antok Ang kati at kirot ng kagat ng lamok Tumatalab na ang bawat lagok At nanunuot sa dibdib ang lungkot Kailangan kita O Consuelo Consuelo, Consuelo sa lamig ng gabi Kailangan ko ng kalamay, Karamay sa tinapay at mainit na kape

更多 Gary Granada

Gary Granada →

相关歌词