Dito Na
TL

Dito Na 歌词

专辑LEAN - A Filipino Musical
年份1997
流派Gospel / Religious
时长3:10
原文语言TL
浏览量423
Aa阅读设置
文字大小 18

原文歌词

TL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
Dito na, dito na... Dito na napalapit ang puso Buhat nang minsan ay mapasyal At sa nayong dati ay kaylayo Dito na ako magtatagal Sa haplos ng hangin mong amihan At busilak na mga bukal Ang sarapsarap na manirahan Sa dampa ng iyong pagmamahal Dito na rin magsisikhay Dito na rin maghahasik At kung sakaling maglalakbay Dito at dito rin babalik At ang damdaming nakapinid Dito na rin maaantig At mananahan dito sa iyong dibdib Dito na pati ang mga labi Ay natuto na magpahayag At ngayon ko lamang nasasabi Sa aking pinakaliliyag Ang nilalaman nitong damdamin Na laman ng bawat kong dasal Na pag-ibig ko ay pagpalain Sa dampa ng iyong pagmamahal (Interlude) At ang damdaming nakapinid Dito na rin maaantig At mananahan dito sa iyong dibdib Ang nilalaman nitong damdamin Na laman ng bawat kong dasal Na pag-ibig ko ay pagpalain Dito na, dito na, dito na, dito na Dito na, dito, dito, dito na Sa dampa ng iyong pagmamahal Dito na, dito na...

更多 Gary Granada

Gary Granada →

相关歌词