Hanggang Kailan, Hanggang Saan
TL

Hanggang Kailan, Hanggang Saan 歌词

流派Gospel / Religious
时长4:07
原文语言TL
浏览量489
Aa阅读设置
文字大小 18

原文歌词

TL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
Sa isang yugto, ang rosas ay Matutuyo, mamamatay Katulad ng marami nang sumpaan Sa isang puwang ng hininga Nagbago ang isa't isa May aalis at may isang iiwan Tayo kaya ay magtatagal O sing-ikli ng isang kanta Gaano kaya kung magmahal Hanggang kailan, hanggang saan sinta Sa isang iglap magbabalik Sa isang sulyap, sa isang halik Maya-maya ay minsan pang lilisan Minsang sumpa'y nakakalas At sugat ay dumadalas Paano pa, paano lulunasan Tayo kaya, mangangako pa Kung ang tamis di na madama Dapat kaya, dapat pa ba Hanggang kailan, hanggang saan sinta Hangga't buo pa ang daigdig At puso ko ay may pintig Hangga't mayrong saysay ang kasaysayan Ang tagginaw at tagtuyot Ang tagpanglaw at taglungkot Sa piling mo'y aking makakayanan Hanggang tilas ay magbagong-anyo Hanggang sila'y maging paruparo Giliw sana'y pag-ibig mo Katulad ng pag-ibig ko sa iyo Hanggang ako't ika'y naririto

更多 Gary Granada

Gary Granada →

相关歌词