Nakikita Mo
TL

Nakikita Mo 歌词

流派Gospel / Religious
时长22:39
原文语言TL
浏览量437
Aa阅读设置
文字大小 18

原文歌词

TL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
Kagaya ng isang dula Minsang ito'y umpisahan Kung paanong mayrong simula Ay mayron ding katapusan Ang awit mang naririnig Larawan bang namamasdan Lahat ng bagay sa daigdig Mayrong hangganan Pangako ay naiiga Huwag lang mangusap ng tapos Dahil tayo'y nag-iiba Lahat ng tao ay kapos Kanikaniya tayong antas Ngunit katulad ng hagdan Kahit gaano kataas Ay may hangganan Ang iyong lakas ay may humpay Huhulaw bawat halakhak Sa salawahang tagumpay Huhupa rin ang palakpak Bakit ka ba patatangay Patutuksong pag-abalhan Ang bukas na hinihintay Baka nga di mo pa datnan Hangga't di mo natagpuan Ang puno't dulo ng buhay Lahat ay masasayang lang Mawawalan din ng saysay Hanapin mo ang Maylikha Dahil siya ang kahulugan Nagwikang siya ang simula At ang hangganan Ang iyong lakas ay may humpay... Hangga't di mo natagpuan Ang puno't dulo ng buhay Lahat ay masasayang lang Mawawalan din ng saysay Hanapin mo ang Maykatha At naroon ang kabuluhan Nagwikang siya ang simula At ang hangganan

更多 Gary Granada

Gary Granada →

相关歌词