Ngayong Gabi
TL

Ngayong Gabi 歌词

流派Gospel / Religious
时长3:45
原文语言TL
浏览量474
Aa阅读设置
文字大小 18

原文歌词

TL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
Tayo'y nabubuhay sa daigdig na masagana Kayraming mga bagay na bago't magaganda Ngunit sa gitna ng ating kasaganahan Kayraming mga taong lugmok sa kawalan Sa isang tabi ng lansangan, sa munting kartong banig Ay ilalapag ang batang matutulog sa lamig Ngayong gabi, sampung bata ang papanaw sa daigdig Dahil sa karamdaman, gutom at kawalan ng pag-ibig Ngayon, higit kailanma'y ating nararanasan Biyaya at pinsala ng kaunlaran Ngunit sa gitna ng ating mga abala Sana sa tuwina ating maalala At sana bago tayo mahimbing Sa ating mga dasal at panalangin... Dinggin ang hinaing ng mga munting paslit At itigil ang digmaan at pagmamalupit Bawat sandali, sampung bata ang papanaw sa daigdig Dahil sa karamdaman, gutom at kawalan ng pag-ibig Ipagsabi sa bawat pusong handa na makinig Hangga't ang katarungan ay di mananaig Ngayong gabi, sampung bata ang papanaw sa daigdig Dahil sa karamdaman, gutom at kawalan ng pag-ibig Ngayong gabi, sampung bata ang papanaw sa daigdig Dahil sa karamdaman, gutom at kawalan ng pag-ibig

更多 Gary Granada

Gary Granada →

相关歌词