PUHUNAN
TL

PUHUNAN 歌词

流派Gospel / Religious
时长3:22
原文语言TL
浏览量410
Aa阅读设置
文字大小 18

原文歌词

TL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
Sa pamilihan ng lipunan, sarisarin'g paninda May kanikaniyang puhunan: pera, utak at ganda Ang ilan ay may pangalan, ang iba ay laway lang May nagbabanalbanalan at mga manlilinlang May namumuhunang pawis at hubad na katawan Kahit pagod nila'y labis, sila'y hanggang doon na lang Mas maigi ang may bahay at lupang paupahan Kahit di maghanapbuhay, laging may laman ang tiyan Ang negosyong magaling ay magbenta ng patay Ngayo'y napakadaling humagilap ng bangkay Dumating na sa sukdulan, buhay na'ng binubuwis Inuutang sa pangalan ng ganansya't interes Kung ang dulot ng sistema'y malaganap na lagim Sa paggamit ng puhuna'y huwag nawa tayong sakim Sa damdamin ng abang kagaya kong isang mortal Ang dugo'y mas matimbang kaysa kapital Napuna kong di maaring magkameron ang wala Kung kaya ko minangyaring mangalakal ng bahagya Upang matiyak ang tagumpay, naglakasloob akong Sa maginoong sanay kumunsulta't magtanong Nais ko sanang matutuna't nang gayo'y magaya ko Paano kang namumuhunan, ba't ang yamanyaman mo At ang agilang anghel ay nagladlad na ng anyo Ang wika ni Tiyo Samuel: Ang puhunan ko'y kayo!

更多 Gary Granada

Gary Granada →

相关歌词