Awit Sa Ina Ng Sto. Rosario
FIL

Awit Sa Ina Ng Sto. Rosario 歌词

流派Axe
原文语言FIL
浏览量14
Aa阅读设置
文字大小 18

原文歌词

FIL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
Minsan ang buhay ay isang awit ng galak At mayroong liwanag na tatanglaw sa ating pagyapak Minsan ang buhay ay isang awit ng luha At siyang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga At kahit anong tindi ng unos, at kahit anong tindi ng dilim May isang Inang nagmamatyag, nagmamahal sa'tin Awit niya'y pag-ibig ng Diyos, tawag niya'y magbalik-loob Turo nya'y buhay na ang Diyos lamang sa ati'y nagkaloob O Inang Mahal narito kami't awit-awit ang Ave Maria At dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaa't pagkakaisa Ang rosaryo mong hawak namin at awit-awit ang Ave Maria Puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal Ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal O Inang Mahal narito kami't awit-awit ang Ave Maria Sa anak mong si Hesus, puso namin ay ihahandog Ang rosaryo mong hawak namin at awit-awit ang Ave Maria Puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal Ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal

更多 Jamie Rivera

Jamie Rivera →

相关歌词