Hanggang Wakas
FIL

Hanggang Wakas 歌词

原文语言FIL
浏览量8
Aa阅读设置
文字大小 18

原文歌词

FIL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
Kay tagal kong naghanap ng isang katulad mo Katuparan ng pangarap ang ako'y mahalin mo Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin Ngayon nagtatanong bakit bigla kang babawiin Kung kailan pa natagpuan pag-ibig na walang hanggan Saka naman puputulin ng isang mabigat na karamdaman Kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi Mamahalin pa rin kita Kahit na alam ko na mawawala ka Asahan mong pag-ibig ko'y wagas Tayong dalawa hanggang wakas Huwag ka nang mag-alala na ako'y mag-iisa Pipilitin kong kayanin masakit mang tanggapin Katangi-tangi kang handog ng Maykapal sa akin Ngayon di na magtatanong kung bakit babawiin Alam ko na ito'y paalam lang na pansamantala Balang araw ikaw rin at ako ay muling magkakasama Kung puwede lang pigilan ang takbo ng sandali At pahabain mga araw na ika'y nandito lang sa aking tabi Mamahalin pa rin kita Kahit na alam ko na mawawala ka Asahan mong pag-ibig ko'y wagas Tayong dalawa hanggang wakas Asahan mong pag-ibig ko'y wagas Tayong dalawa hanggang wakas

更多 Juris Fernandez

Juris Fernandez →

相关歌词