Bulag, Pipi, Bingi
FIL

Bulag, Pipi, Bingi 歌词

专辑The Nightingale Returns
年份2014
流派Gospel / Religious
原文语言FIL
浏览量6
Aa阅读设置
文字大小 18

原文歌词

FIL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan Anyo at kulay ng mundo sa'yoy pinagkaitan Huwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo 'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangan na buhay na banal Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng puso't damdamin wala sa'yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman Ano sa'yo ang musika, sa'yo ba'y mahalaga Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig Mapala ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo Di nalalayo sa'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay mang tulad mo 'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangan na buhay na banal 'Di makita, 'di marinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangan na buhay na banal

更多 Lani Misalucha

Lani Misalucha →

相关歌词