Yugto
TL

Yugto 歌词

专辑Your Universe
年份2008
流派Rock Roll
时长5:29
原文语言TL
浏览量393
Aa阅读设置
文字大小 18

原文歌词

TL
暂时没有翻译,当前显示原文歌词。
Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik Tatawagin kang kaibigan na pinaka matalik Pupulupot sa leeg mo't sisipsip ng iyong dugo Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo Sa gitna ng kaguluhan may kumukulong bulkan Di ma pigil ang yabang at sakdal na kasakiman Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya Kung kaya kang paikutin tiyak paiikutin ka Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog Lumiyab ka... lumiyab... Sa gitna ng kadiliman may puwitreng nagmamasid May magbabato ng putik ngunit walang mayayanig Iiyak ang mga batang nahulugan ng candy Laging mga problema sa iba'y sinisisi Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik Itinuring mong kaibigan na pinaka matalik Leeg mo'y pupuluputan dugo mo'y sisipsipin Kapag wala ka nang pakinabang ang ending mo'y sa bangin Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob Ang pag-ibig na hawak mo'y hindi malulubog Lumiyab ka... Tuwing hating gabi maririnig mo ang huni Ng mga kaluluwang naliligaw Lahat ng pera sa mundo hindi kayang gawing ginto Ang huwad na tao... Ang mga tinig palakas ng palakas Hanggang gumuho ang mga hadlang Ang mga tinig palakas ng palakas Hanggang gumuho ang mga hadlang Saksi ang langit sa lahat ng naganap Saksi ang langit sa ikalawang yugto... Lumiyab ka... Lumiyab ka... (Sa ngalan ng katotohanan) Lumiyab ka... (Sa ngalan ng iyong dangal, ang puso mo't iyong isipan) Lumiyab ka... Lumiyab ka... (Ialay mo sa maykapal) Lumiyab ka...

更多 Rico Blanco

Rico Blanco →

相关歌词