Awit Ng Magdaragat
TL

كلمات Awit Ng Magdaragat

النوعReggae
المدة3:26
اللغة الأصليةTL
المشاهدات268
Aaإعدادات القراءة
حجم النص 18

الكلمات الأصلية

TL
الترجمة غير متاحة بعد. نعرض الكلمات الأصلية.
Tinawid ng ninuno ko ang karagatan Dumaong sa aplaya, nagtatag ng tahanan Umibig at inibig at nabuhay ang angkan Ng magdaragat Dumaan ang panahon, at ngayon, heto ako Tahanan ay aplaya tulad ng aking ninuno Na-pukot ng pag-ibig, may pamilya't inapo Ng magdaragat Nakalulan -- sa paraw ng kasaysayan Lumalayag -- sa agos ng panahon Lumulutang -- sa kandungan ng alon Ito ang buhay magdaragat Buhay ay nababago ayon sa pangitain Kay raming mga hamon at kay raming gagawin Magpayabong ng buhay at siyang aanihin Ng magdaragat Magmasid, magbantay Magpayabong ng buhay Magmasid, magbantay Magpayabong ng buhay Ito ang buhay magdaragat

المزيد من Joey Ayala

Joey Ayala →

كلمات ذات صلة