Noong Unang Panahon
FIL

Noong Unang Panahon 歌詞

アルバムAko Ay Pilipino
年1983
ジャンルPop
時間4:15
原文言語FIL
閲覧数1.2K
Aa表示設定
文字サイズ 18

原文歌詞

FIL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
Nung unang panahon Ang langit at lupa'y Magkaratig halos Laganap ang tuwa Kapag sa banga Ni butil ay wala Ang gubat at ilog May handang biyaya Nung unang panahon Ang sikat ng araw Ay nagpapalago Sa bawat halaman Bakit kaya ngayon Kay init ng darang Ilog tinutuyo Parang tinitigang Nung unang panahon Ang patak ng ulan Pinasasariwa Dahong naninilaw Ngayo'y nagngangalit May hanging kasabay May bahang kasunod Na nakamamatay Nung unang panahon Ang puso ng tao'y Marunong magmahal Hindi nanloloko Sa hapis ng iba'y Laang makisalo Layo'y pumayapa At hindi manggulo Pati na ang langit Na dati'y kay baba Ay nagpakalayo Sa ulilang lupa Bathala gumising Tuyuin ang luha Ng nananawagan At nagpapaawa Nung unang panahon Ang langit at lupa'y Magkaratig halos Laganap ang tuwa Bathala gumising Tuyuin ang luha Ng nananawagan At nagpapaawa Nung unang panahon Nung unang panahon Nung unang panahon

Kuh Ledesma の他の曲

Kuh Ledesma →

関連歌詞