Pinulot Ka Lang Sa Lupa
FIL

Pinulot Ka Lang Sa Lupa 歌詞

ジャンルPop
時間7:04
原文言語FIL
閲覧数382
Aa表示設定
文字サイズ 18

原文歌詞

FIL
翻訳はまだありません。原文を表示しています。
Pinulot ka lang sa lupa Huwag lilimutin kung saan ka nagmula Kung langit man ay narating Buhay man ay nagningning Dapat ang puso mo'y parating kay lambing Pangarap mo't mga biyaya Natatamo't unti-unting napapala Ang kapuwa mong naninimnim Huwag nang hayaan sa dilim Idulot mo'y pag-asa, huwag maging sakim Pinulot ka lang, pinulot ka lang sa lupa Nguni't kung pagsinta ang siya mong adhika 'Di na mapapansin dungis mo sa mukha Kung pagkatao mo't damdamin ay pinagpala 'Di dapat ikubling pinulot ka lang sa lupa Pag-ayon sa iyo ng tadhana Pag-ibig tuwina ang gawing panata Ang bawa't yamang kakamtin Ipamahaging masinsin Ikaw ay kikinang na tulad ng bituin Pinulot ka lang, pinulot ka lang sa lupa Nguni't kung pagsinta ang siya mong adhika 'Di na mapapansin dungis mo sa mukha Kung pagkatao mo't damdamin ay pinagpala 'Di dapat ikubling pinulot ka lang sa lupa

Kuh Ledesma の他の曲

Kuh Ledesma →

関連歌詞